HINDI naiwasan ni Rain si Anjo. Nang malapitan siya’y kaagad nakipagkamay. Idinadalangin niya na sana’y huwag nitong banggitin si Kaiden. “Magkakilala ba kayong dalawa?” muli’y tanong ni Dion. “Opo, sir! Kapitbahay ko si Rain noon sa Pampanga!” ani Anjo. “Nice. So, marami kang alam kay Rain,” si Dion. “Aba, opo! Alam ko ang kuwento niyan at napakabait.” Nang dumaldal na si Anjo ay umapela na siya. “Uh, kailangan ko pa palang bumalik sa opisina. Gusto mo bang sumama, hon? May ikukuwento ako sa ‘yo,” aniya kay Dion. “Sure. Wala naman akong gagawin. Mamayang gabi pa ang alis ko pabalik ng Tagaytay,” sabi naman ni Dion. “Isasama mo pa ba si Anjo?” Hinarap nito si Anjo. “Puwede ka nang umuwi, Anjo. Puntahan mo na lang ako mamayang gabi sa condo bago tayo pupuntang Tagaytay,” sabi naman