Chapter 20

2365 Words

HINDI na napigilan pa ni Bratinella ang pag-iinit ng kanyang mga mata matapos marinig ang kuwento ni Jayden. Kung iyon ang totoong nangyari noon ay mukhang siniraan lang ito ni Sweet Summer sa kanya. Walong taon siyang namuhay sa pagkamunghi kay Jayden. Iyon pala ay mas nagdurusa rin ito ng mga panahong iyon. "T-Totoo ba talaga sa loob mo noon na niligawan mo ako at hindi ginamit lang?" Pigil ang mapaluhang tanong niya. "Bratzy naman," anito na umisod palapit sa kanya. "Hindi kita ginamit lang. At isa pa, totoo lahat ng pinakita ko sa iyo dati. Totoong minahal kita." Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. "Bakit mo naman naisip 'yan?" "May isang tao kasi noon na nagsabi sa akin na balak niyo talagang umalis noon." "At naniwala ka sa kanya kaya ganoon na lang ang galit mo sa akin?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD