Chapter19 Hershey Pov "Hershey pwede ba magpromise ka samin" napatingin ako kina kyla na nasa sofa habang kumakain ng cookies na binake ko "ano naman yun?" tanong ko at kumuha ng cookies "Kahit anong mangyari wag kang aalis sa tabi ni Abra" napatingin ako kay kyla "Mabait naman na tao si Abra kulang lang talaga siya sa atensyon at pagmamahal at kung alam mong may gagawin siyang hindi maganda gawin mo lahat para pigilan siya ha?" dagdag ni drake bakit ganun iba ang pakiramdam ko "Tama alam namin kasing ikaw lang makakagawa nun ikaw na sana ang magsilbing liwanag niya kung dumating yung time na mawala nanaman siya sa sarili niya" napakunot ang noo ko sa sinabi ni chester "guide him Pilitin mong baguhin ang pananaw niya sa buhay hershey" dagdag nj clyde habang kumakagat ng Cookie