DUX HINDI ko alam kung paano ko pasasalamatan si Teacher Maureen dahil tinulungan niya ako para i-enjoy pa rin ni Catriona ang program kahit wala ang asawa ko. Bandang huli, siya pa rin kasi ang pinili ng anak ko kaysa kay Anita para maghatid sa stage. Kaming dalawa. “Hindi ko po alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya na hindi nakarating ang Mommy niya kung hindi mo ako tinulungan,” sinserong sabi ko sa guro nang matapos ang program. Sa kabila ng lungkot at pagkadismayang nadarama ko dahil sa absence ni Blessy, masaya akong makita na hindi iyon nakaapekto sa performance ng mga bata kanina. Kahit si Clay, halatang masaya rin dahil kaming dalawa rin ni Teacher Maureen ang naghatid sa kaniya sa stage. “Don’t say that, Mr. Reyes. Maliit na bagay lang po ‘yon. As a teacher, masaya akong ma