BLESSY KATATAPOS ko lang maligo. Natigilan ako nang paglabas ko ng banyo ay may nakita ako na isang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng kama. Napakunot ako at lumapit sa higaan para tingnan iyon. Agad kong napansin ang nakadikit na card at saka binasa ang nakasulat dito. To the prettiest woman in my eyes, I love you so much. Ilang kataga lang ang nakasulat na iyon sa card pero sapat na para maramdaman ko na parang sasabog na naman ang dibdib ko dahil sa sobrang kilig. “He really knows a lot of surprises to show how much she loves me,” naiiyak na kausap ko sa sarili ko habang dahan-dahan kong dinadala sa mga labi ko ang mga bulaklak. Napapikit ako nang malanghap ko ang mabangong aroma nito. Parang wala talaga siyang kapaguran sa pagpapakita niya ng pagmamahal sa akin. Tinup