BRANDON “CONGRESSMAN, nilulusob daw ng mga tauhan ng Uncle Ramon mo ang laboratory ninyo ni Mr. Franklin Mendoza!” nagkukumahog na imporma sa akin ni Aldo. “Ano?!” Napatayo ako, sabay tapon ng wine glass na akmang sisimsimin ko na sana. “Eh, ano pa ang ginagawa n’yo ni Kokoy? Punyeta! Ihanda n’yo na ang mga tauhan natin. Susugod tayo ngayon-ngayon din!” Minsan na nilang sinubukang lusubin at pabagsakin iyon pero hindi sila nagtagumpay. Kung alam ko lang na sila pala ni Mommy ang may kagagawan niyon, sana pinatay ko na sila noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Hindi ako makapaniwala na sa ganito hahantong ang pakikipag-alyansa ko sa tiyuhin ko. Alam ko naman noon pa man na hindi ko siya mapagkakatiwalaan nang husto. Pero kumapit ako. Sa kanilang dalawa ng ina ko. Dahil sa kalagayan ko ng