Raina ISANG UMAGA ay nakarinig ako nang tila hugong ng motorsiklo mula sa labas ng mansion. Nangunot ang noo ko. Pero baka may dumaan lang na motorsiklo sa kalsada. "Bye, Cielo! Please, come back here soon, okay?! You're so handsome talaga! Sana ako na lang ang una mong nakilala!" Biglang namilog ang aking mga mata nang marinig ko ang malanding tinig na 'yon ni Queenay. But wait... si Cielo? Nandyan si Cielo?! "Iwan mo na lang si ate! Ibalik mo na lang siya kay Geo!" Bigla akong napabalikwas sa kama at kaagad na tumakbo patungo sa balcony! Kamuntik pa akong madapa! Hinanap ng paningin ko ang kinaroroonan nila. Natanaw ko naman sa labas ng gate si Queenay na lumulukso-lukso pa, habang ulo na lang ni Cielo ang nakikita kong mabilis na umaalis sa mataas na pader ng bakuran namin. Mukhang