Queenie "So, what are we going to do now? Wala na, late na tayo. Hayaan na lang natin sila." "No!" mabilis kong sagot sa kanya. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa kotse namin. Hindi ko pa rin matanggap na na-reject nang ganun-ganun na lang ang proposal ko sa anak ng tipaklong na Skylight na 'yon! "Ako na nga ang pinakamagaling sa lahat! May naiisip pa akong isang paraan. This time I will definitely get this job." "Ano na naman 'yan?" Napatitig siya sa akin. Napangisi naman ako. "Lilipad tayo patungong Albay. Si Fiona na mismo ang liligawan ko." "W-What?" Lumarawan naman ang gulat sa anyo niya. "Nahihibang ka na talaga. Sigurado ka ba talaga dyan?" "Surely she can't say no to me. Isang Queenie Luther, tatanggihan niya? Anak ng pinakasikat na modelo sa buong mundo." "Ang lakas ta