Harlie Kanina pa ako nakatanghod sa pagkain ko, ngunit hindi ko pa rin ito magawang galawin hanggang ngayon. "Kainin mo na 'yan. Sige ka, ako ang kakain niyan," ani Rage mula sa tabi ko. Tapos na siyang kumain ng kanin at saging naman ngayon ang nilalantakan niya. Nakaka-tatlo na nga siya buhat pa kanina. Napakahilig talaga niya sa saging. Saang tiyan niya kaya nilalagay ang mga pagkain? Wala naman siyang bilbil. "Hurry up, you'll be late for school. Ako na ang maghahatid sa iyo." Bigla akong napalingon sa kanya sa sinabi niyang 'yon. "R-Really? Ihahatid mo ako?" "Ayaw mo?" "G-Gusto." I immediately picked up my spoon and fork and started eating. Medyo nabawasan ang problemang dinadala ko ngayon. Problema na kaagad 'yon para sa akin kahit hindi ko pa nakakaharap ang mag-amang 'yon