Harlie "Tita, may bibilhin ka pa ba? Let's watch a movie!" Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Crystal. Nakalabas na kami ng bookstore at bitbit ko na ang dalawag librong pinamili ko. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Pa-simple kong nilingon si Rage. Sasama din kaya siyang manood ng movie? Baka kasi ma-out of place na naman ako kung kaming tatlo lang nila Crystal at Omer ang papasok doon. This is not my first-time watching cinema. I have experienced this before, with Cielo. Kaming dalawa lang noong minsang tumakas ako ng bahay kasama siya. Naglalakad na ngayon palapit sa amin si Rage ngunit abala ito sa pagbusisi ng camera niya. "Okay," I answered Crystal. Siguro naman ay sasama din si Rage doon. Para kasi siyang langaw, na pasunod-sunod kila Crystal at Omer. Namilog namang bi