Queenie Kinabukasan ay ginising ako ng isang tawag sa cell phone ko. Mumukat-mukat ko itong kinapa sa tabi ko. At sa ilalim ng unan ko ito nakuha. Itinaas ko ang suot kong sleep mask at sinilip ang screen nito. Natigilan ako nang pangalan ni Fiona ang nakita ko doon at ngayo'y tumatawag. Nasulyapan ko rin ang oras sa itaas na bahagi ng screen. Pasado alas otso na pala ng umaga! I suddenly got up and answered her call. "Hello..." Namamaos pa ang tinig ko. "Hi! Good morning, Queenie!" Masiglang tinig niya ang narinig ko mula sa kabilang linya. Mukhang maaga siya nagigising. "Hi, good morning." "Kagigising mo lang ba? Namamalat pa kasi ang boses mo." "Oh, yeah. Sorry, just stayed up a little late last night." "It's okay. Pasensiya na rin kung naistorbo ko ang tulog mo. I thought y