Raina "H-Hi, baby! What's up? How are you doing?" tanong ko kay Geo, matapos kong sagutin ang tawag niya. Kasalukuyan ako ngayong nakahiga dito sa kama ko dahil nanlalantang-gulay na naman ako ngayong gabi. "Kanina pa kita tinatawagan. Bakit ngayon ka lang sumagot? Where are you?" he asked me instead of answering my question. Malamang, alam na niya kung nasaan ako ngayon. May contact kasi siya sa office, si Maechelle na kaibigan ko. "Eh, nakatulog ako, eh. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako pumasok kanina sa office." "I know. So, how are you feeling? Ano bang nangyari?" Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Kinakabahan ako at nag-aalinlangan kung sasabihin ko na ba sa kanya ang tungkol sa kundisyon ko o hindi pa. Alam na alam ko naman kasi na wala pa sa plan