MAGGIE __ "Mags, listen... she's not my woman..." Huminto ako sa paghakbang at bumaling sa kaniya. "Ah, talaga? Hindi ko nga alam kung bakit pinuntahan pa kita. May ininvite ka na palang iba." Muli akong tumalikod sa kan'ya at nagpatuloy sa paghakbang. "Maggie, I told you I sent a wrong message to her." "Right, sa dami mong ka-text, it is not impossible to happen. Better get a secretary to arrange a schedule for your women." "Mags, please..." Hindi ko na ito pinansin pa. I tried my best to contain my emotions. Pumasok ako sa isang restaurant dahil nagugutom na ako. Gusto ko lang mag-take out at sa club na kumain. He was still at my back trying to explain to me. Hindi ko ginustong pakinggan iyon. Nakita ko na siya at ang ibang babae niya. Isa pa, wala kaming relasyon, ano bang paki