KIANDRE ZIAR SANDOVAL __ "Sir, nandito na po tayo." Tiningnan ko ang paligid ko. Hindi ako pamilyar doon pero kinuha ko na ang backpack ko. "Ingat po kayo, sir." "Salamat po." Hinintay kong makaalis ang driver namin bago ko muling tiningnan ang buong paligid. Maraming tao roon. Karamihan ay may dalang kani-kaniyang bagahe. Nakuha naman agad ng atensyon ko ang babaeng nakatayo sa gitna ng waiting shed. Napangiti ako nang bahagya at agad itong nilapitan. Tumingin siya sa akin nang mapansin ang presensya ko. Isang malaking backpack ang dala ko pero wala man lang itong dalang kahit ano. I smiled at her. "K-kanina ka pa?" "Just right." "M-may I know why we are here?" "We're waiting for a bus." "B-bus?" Madalas akong makakita no'n pero kahit kailan ay hindi pa ako nakakasakay roon.