KIANDRE ZIAR SANDOVAL __ "Sigurado ka bang kaya mo, ha?" tanong sa akin ni tatay Delfin. "Opo..." "Mabigat 'to, isa pa, pataas ang daan natin." "Susubukan ko po." "Siya..." Tinulungan ako nitong isukbit ang kahoy sa balikat ko kung saan may nakasabit na dalawang balde ng tubig sa magkabilang dulo. Naramdaman ko agad ang bigat doon. I almost lost my balance. "Mukhang hindi mo yata kaya, hijo? Babalikan ko na lang 'yan at iaakyat ko lang itong isa." "Hindi ho... tutulungan ko ho kayo." "O, sige. Pero isang balde na lang ang dalhin mo muna. Balikan na lang natin iyang isa." Isang balde na lang ang binuhat ko paakyat ng bundok. Iniwasan kong matapon iyon kahit hindi naging madali para sa akin ang pag-akyat. It almost drained my energy. I still wanted to help. Natanaw na namin ang