BRAYLE RILEY BHREMER __ "Mommy, paluto na rin ng steak at ng roasted broccoli. Paki-hiwa na rin itong avocado, ang talim kasi ng kutsilyo ni'yo, eh." Tiningnan siya nang masama ni mom habang niluluto ang ni-request niya kaninang Goulash. "Kung ikaw kaya ang hiwain ko, bruha?" Maggie frowned at her habang nakaupo pa rin sa stool, watching her. "Ang sungit mo naman..." Napangiti na lang ako at kinuha sa kan'ya ang avocado para ako na ang humiwa no'n sa gitna. The fact that mom granted her favor to cook something for her, I knew mom was trying. Siguradong hindi lang nito gustong masyadong maraming requests si Maggie after that. "Gusto ko pa naming maging kamukha mo ang anak ko. I like your blue eyes, mom. 'Wag lang 'yung ugali... kaya 'wag ka nang masyadong magsungit, hmm?" "Hindi m