KIANDRE ZIAR SANDOVAL ___ I prepared my things early morning. Umalis na kami bago pa lumitaw ang araw. I thought isasama namin sina Nanay at Tatay sa bayan pero tulog pa ang mga ito noong umalis kami. I wanted to at least say goodbye, but Arin told me na kailangan na naming umalis agad. I just thought na makikita ko pa naman ang mga ito whenever I wanted to lalo na alam ko na kung saan sila pupuntahan. Nalungkot ako na kailangan na naming umalis. I experienced a lot of things that I never imagined I could do. Isa iyon sa mga bagay na hindi ko makakalimutan. I just followed Arin dahil siya lang ang may alam ng daan. Bago kami umuwi, she told me she would show me another secret place. Nagtungo kami sa mas mataas pang parte ng bundok. Papalapit pa lang kami, naririnig ko na ang malakas