Aiden "I can't believe you Aiden, bakit sa isang Perez pa!" hiyaw ng Mama nya pagdating na pagdating nya sa bahay nila. Ilang beses syang tinatawagan ng mga magulang at kapatid, pero hindi nya sinasagot dahil ayaw na muna nyang makausap ang mga ito, dahil alam nyang pagsasabihan lang sya ng mga ito na itigil ang relasyon nya kay Carmella at hindi nya magagawa ang bagay na yon, lalo na ngayong engaged na sila ni Carmella. "Carmella is different" mabilis na sagot nya sa ina. "What different you are talking about huh? anak sya ng babaing paiba-iba ng asawa at ang mga kapatid nya ay mga kabit! mga lahi sila ng kabit!" hiyaw ng ina. "Ma" nasa tinig nya ang pagtutol sa sinasabi ng ina. Nais nyang ipagtanggol si Carmella at ipagdiinan na iba si Carmella at hindi ito magiging tulad ng mga ka