Chapter 31

1983 Words

NANG tuluyang lumitaw ang bulto ni Gaizer suot ang itim na t-shirt na hapit sa katawan nito at itim na maong pants, ay hindi na maawat sa pagsilakbo ang puso ni Alexa. Naramdaman niya ang pagkalam ng sinampupunan niya. Tila ramdam din ng baby niya ang kanyang nararamdamang pananabik. Itinaas ni Gaizer sa ulo nito ang suot na sunglasses. Pagkuwa’y humakbang ito palapit sa kanila. “Bakit bumalik ka, apo?” tanong rito ni Lola Amara. “May nakalimutan po ako. Nakalimutan ko ang laman ng puso ko,” pilyong sabi nito. Natawa ang matanda. Pagkuwa’y nagpaalam si Lola Amara na papasok na sa kabahayan dahil iinom pa ng gamot. Pakiramdam ni Alexa ay inaapuyan ang buong katawan niya habang pilit iniiwasan ang mainit na titig sa kanya ni Gaizer. “Parang lumulubo ka ata,” komento nito habang sinusuy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD