ILANG araw na ang lumilipas at walang palya ang pagpapadala ng bulaklak ni Renz sa kanya sa bahay o gayon din sa kanilang opisina at iba't ibang klase iyon. Marami na rin ang nagtataka doon at kanya kanyang hula kung sino iyong misteryosong lalaking nagpapadala ng mga ito sa kanya. Renz fulfill his promise. Hindi na ito nanliligaw sa opisina o nagpapa-halata man lamang. They were strictly professional everytime they are working together, unless sila lang dalawa ang magkasama minsan ay lumalabas pa rin ang pagka pilyo nito. Sa bahay siya nito pinupuntahan at pa-minsan ay sabay na nag a-almusal sa loob ng opisina nito, dahil kasabay pa rin niya ang mga naging kaibigan tuwing lunch time upang walang makahalata. Hindi niya maitatangging komportable na siyang kasama ang binata. Halos dalawa