MULA sa malayo ay nakatingin lang si Renz sa papalayong bulto ng dalaga. Patuloy pa rin ito sa pag iyak kahit naglalakad at marami ang ilan sa mga dumadaan ang nakakakuha ng atensyon nito. She's walking like she has no direction. Ang mukha nito'y puno ng mga luha at medyo magulo pa ang buhok nito. And he can still hear her sobs. Damang dama niya ang sakit ng mga iyon, and he wanted to punch himself for that. Hindi niya gustong saktan ito ng sobra, ngunit hindi niya na maaring bawiin ang mga sinabi niya. Noong umiiyak ito ay gusto niyang yakapin na lang ito at pahirin ang mga luha nito, ngunit hindi niya iyon maaring gawin. Ayaw niyang mapahamak ang dalaga nanag dahil sa kanya. Ayaw niyang pati ito ay magdusa pa sa problemang kinakaharap niya. And the only way to spare her, is to rem