HER house is not a home when her twins are not around. Parati nya kasi itong kasama at katabi sa loob ng 7 buwan ng paghihiwalay nila ni Renz. At ito ang unang beses na hindi nya makakatabi ang mga ito. But she never regreted na pinayagan nya ang kambal na sumama sa daddy nila dahil nakita nya kung paano sumaya at excited ang dalawa. She was about to sleep when her phone rang. Agad niyang sinagot iyon ng makitang si Renz iyon. "Hello?" "Mommy, are you okay there? Wala ka po katabi matulog.." nag aalalang tanong ni Gab sakanya. Gab is so sweet. Hindi ito nagsasawang ipakita ang love at care nito sakanila ni Genuine kahit sa iba naman ay tila wala itong pakielam. "I'm okay baby.. makikita ko naman din kayo agad bukas so it's fine with me. Si Genuine nakatulog na?" She asked. "Yes Mom