(Eugene's point of view) Rinig na rinig namin ang daing at ire ni Sunny. Rinig ko din ang pag-bulyaw niya kay Zander. "Ano ka ba! Sabi ko 'wag kang umire! Nad-distract ako!" Napangisi na lang ako dahil sa bunganga niya, nanganganak na't lahat bungangera pa rin ang gaga. "Sorry, sweetheart. Tinutulungan lang naman kitang umire," rinig kong sabi ni Zander. Ngumuso ako, ang sweet naman! Makalipas ang oras ay successful naman ang panganganak ni Sunny. Dumiretso kami sa nursery room para makita ang babies nila, except kay Zander na binabantayan ngayon si Sunny. (Sunny's point of view) Nagising akong namamalat ang lalamunan. Igagalaw ko na sana ang kamay ko ng makita ko si Zander na hawak ang kamay ko at natutulog. Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi. Pupungas pungas siyang na