"Hoy buntis! Aba! Kanina ka pa tulala diyan at ang pula ng pisngi mo oh! Baka mamaya mga naughty things yang iniisip mo ha? Share mo naman," ani Eugene. Andito kami sa sala. Kakatapos lang namin kumain at talagang hindi ako makamove-on sa pag-halik sa akin ni Zander. Mygad Cassie! "Sunny Angeles!" Sigaw ni Eugene. "Ay halik ni Zander!" Naibulalas ko. Ngumisi ng nakakaloko si Eugene at sinundot-sundot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ha! Sabi ko na nga ba mga malalaswang bagay yang nasa utak mo ngayon!" panga-asar nito sakin. "H-hindi ah, psh!" tanggi ko. Kinuha ko yung mangga na nasa center table tsaka yun sinawsaw sa ketchup at isinubo. Sarap! "Iw! Ang panget ng lasa niyan buntis," nandidiring sabi ni Eugene. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan na la