Eugene's POV "Ano ka ba Edward?" singhal ko sa lalaking katabi ko na kinukulit ako. "My labs naman! Payagan mo na kasi akong ligawan ka." naka-ngusong sabi ni Edward. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Papayagan kita, in one condition." sabi ko. Umayos naman ito ng upo at kumikislap ang mata na tumingin sa akin. "Sige. Kahit ano papayag ako, hehe." tuwang-tuwang sabi niya. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. "Tumigil ka sa pagiging malandi mo." taas kilay kong sabi. Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki at inangkla ang braso sa akin at sinandal ang ulo sa aking balikat. Nagkakagulo ang mga organs ko. Pakiramdam ko yung intestine ko nasa ulo ko na at yung utak ko naman nasa tiyan ko na. Kinikilig ako. Hinyaan ko lang siya sa ganoong pwesto hanggang sa makabalik na sila