"Sweetheart, wake up." Nagmulat ako ng mata at tumambad sa aking paningin si Zander. Ngumuso ako at tumagilid ng higa tsaka pinikit ang mata. "Sunny Angeles! I said wake up." Mariing sabi ni Zander. Nagmulat ako ng mata at tinignan siya ng masama. Inaantok pa ako eh! "Ano ba?! Inaantok pa ako eh." Yamot kong sinabi. Tinignan din ako nito ng masama kaya padabog akong tumayo at pumasok sa CR. Hambalusin ko siya eh! Inaantok pa nga ako eh. Kainis! Bwisit! Nag-tooth brush ako at nag-hilamos. Pinusod ko din ang mahaba kong buhok into messy bun. Pagkalabas ko ay nanduon si Zander. Naka-upo sa kama at naka-ngisi sa akin. Nginingisi ngisi niya diyan? Kaltukan ko siya eh! Bwisit! Inirapan ko lang siya tsaka nag-lakad palabas ng kuwarto. Sumunod naman siya sa akin at hinapit ako sa bewang