27 – The Game Is On Damian’s Point of View I can see the confused look on Arabella’s face as I opened the car’s door for her. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at hindi alam kung papasok ba o hindi. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa pinto. “What?” tanong ko sa kanya. “Are you serious?” aniya bago tumitig sa akin. “I am,” walang pag-aalinlangan kong tugon. “I am taking you on a date, Arabella,” pag-uulit ko para maniwala siya. “Pero bakit?” “Kasi gusto ko,” diretsong tugon ko. “So, hop in so we can leave,” dugtong ko saka siya inalalayang makaupo. Pagkatapos ay isinara ko na ang pinto saka ako pumunta sa driver’s seat at binuhay ang makina ng sasakyan. “So, how was your visit to the Santiagos?” tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman ang mga detalye ng pagpunta niya