21 – No Escape

1567 Words

21 – No Escape Arabella’s Point of View Nakatulala lang ako habang nakatingin kay Lucas. Hindi pa rin ako makapaniwala na dito pa kami magtatagpo. At hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at bigla kong itinago ang sarili ko. Mabuti na lang talaga nasa pinakalikod kami. Nang maupo ang mga kaklase ko ay nagkunwari akong may ginagawa. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil ayokong magtagpo ang mga mata namin. “Gosh, ang hot niya talaga,” bulong ni Amber sa akin at impit na tumili. “Feel ko ibabagsak ko ang subject na ‘to para makita ko siya ulit next year,” dagdag niya pa. “Gano’n siya ka-hot. ‘Di ba, Arabella?” baling niya sa akin. “Y-Yeah,” mahinang tugon ko habang nakayuko lang. “Bakit ka nakayuko? Iangat mo ang ulo mo dahil wala sa sahig ang inspirasyon, nasa harap,” dagdag niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD