Kabanata 18 Para sa araw na 'to hindi ako pumasok sa school. Nalate na nga din ako ng gising kasi pag tingin ko sa my alarm clock na nasa bed side table ko, halos maglulunch time na. Dahan dahan naman akong bumaba sa bed ko, ayuko din kasing mabinat at baka mag tagal pa mas lalo yong trangkaso ko. Tuluyan na talagang nawala yong lagnat ko kaya naman bago ako bumaba sa my kitchen kinuha ko na muna yong phone ko. Pagpasok ko naman sa my kitchen na aamoy ko na agad yong tinola at sinigang at pagtingin ko sa my dinning table, nakaserve na don yong mga ulam at rice na umuusok usok pa. Magkakasunod pa nga akong napalunok kasi natatakam na ako... "Amber!" Gulat namang sabi ni Ate Rose ng pagtingin niya sa my likuran niya ay nandon nga ako, kakaayus lang niya ng table. Lumapit naman siya sakin