Chapter 10
HINDI ko akalain na ang susunod na magmamay-ari ng Benjamin ang kaharap kong Langston, ‘ganu’n ba siya kapera, pera ba niya talaga ‘yon o sa mga magulang pa niya? Katulad din ba siya sa mga anak mayamang tao sa Roseville City? Ngunit hindi naman siya mukhang nagmamalaki.’ Saka ko lang napansin na nakalahad ang isa niyang kamay para makipagkamay kaya agad kong inabot ang kamay ko at mabilis na nagbitaw.
Umalis siya sa harapan ko at pumesto sa harap din ni Dario kaya sumunod ako at tumabi sa kasama ko. Napansin kong parang busog na busog si Dario kahit ilang minuto ko lang siyang iniwanan, magsasalita na sana ako nang hawakan niya ako para pigilan kaya parehas kami ni Kalen na napasulyap sa kanya.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“Napasobra ata ako sa cheese, lactose intolerance ako eh parang kailangan kong magbanyo,” nahihiya niyang wika na siyang kinabigla ko.
“Pwede ka naman magpasama sa guard sa labas ng silid na ‘to, itanong mo lang sa kanya kung anong kailangan mo at sasamahan ka niya ro’n,” paliwanag ni Kalen at kalmado lang siya sa upuan niya.
Napahawak pa si Dario sa tyan niya, “sige salamat po, maiwan muna kita, Sia,” at nagmadali siyang lumabas ng silid na ‘to.
Ngayon ko lang napagtantong kaming dalawa na lamang ni Kalen ang naiwan sa silid, kumuha siya ng baso niya at nagsalin ng red wine ro’n. Inalok niya ako nang itaas niya ang baso niyang may laman ng alak saka ako umiling.
“Hindi ako mahilig, salamat na lang.”
Hindi na niya ako pinilit pa at nilagok ang laman ng baso niya bago niya binaba ang baso. Mukhang sanay na siya sa mga ganitong alak, total ganito naman ang mga mayayaman, mahilig sila sa mga panlasang hindi kinasanayan ng mga mahihirap at may normal na pamumuhay.
“Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa nangyari, katulad ng sinabi ni Dario nagpunta kami rito para malaman kung ayos ka lang ba ngunit mukhang okay ka na nga talaga,” wika ko habang nakatitig sa sintido niya at dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa mga mata niya dahil buong pag-uusap namin nakatitig lang siya sa ‘kin na para bang kinikilatis niya ako, “hindi ko rin alam na ikaw ang bibili ng manor, may balak ka pa ba? Baka kasi magbago ang isip mo dahil sa nangyari, baka nakausap mo na ang mga pulis, wala talaga akong alam sa nangyari at nakita na lang kitang---”
Pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya.
“Iniisip mo bang pinag-iisipan kita ng ganyan?” Tanong niya.
Nakailang pikit ako bago na proseso ang tanong niya sa isip ko, “hi-hindi ba?”
Umiling siya ng bahagya, “hindi at wala akong balak baguhin ang desisyon ko sa pagbili ng manor. Gusto ko nga magpasalamat na andoon ka sa pangyayari at ikaw ang nakakita sa ‘kin, kung hindi dahil sa ‘yo baka kung ano nang nangyari sa ‘kin o mas malala pa ro’n.”
“Walang anuman,” biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nag-init ang pisngi ko, “hindi naman sa pangingilam pwede mo namang hindi sabihin at hindi naman kita pipilitin, ano ba talagang nangyari?” Nag-aalangan kong tanong sa kanya.
Naiwang nakatitig ang mga mata niya sa ‘kin, hindi ko alam kung sasagutin ba niya o ano, ilang segundo siyang ganu’n hanggang sa magsalita siya, “hindi ko rin alam, wala akong matandaan.”
Hindi ko na pinilit pa siya, “so kailan mo gustong dumalaw sa manor para makita ang buong lugar?” Tanong ko at pag-iiba ng topic. Gusto ko na rin mabili agad ang manor para makabalik na ako sa Roseville city.
“Maraming inaasikaso ang pamilya namin pero kung may pagkakataon sisilip ako kahit sandali at kung maari pakiasikaso na ng mga papel para mabilis ang proseso,” wika niya.
Do’n ako napangiti ng bahagya, “makakaasa ka,” dahil sa wakas wala akong magiging problema rito. Kosa akong napasulyap sa salaaming pader, isa-isang namukadkad ang mga puting bulaklak na hugis bumbilya at may ilang buhok na maninipis sa loob nito, napa-wow ako ng wala sa oras sa dami nila mas lalong gumaganda ang buong hardin, tumayo at lumapit sa pader na salamin para mapagmasdan sila ng malapitan.
“Ang ganda nila,” bulong ko.
“White wolf ang tawag sa kanila,” narinig ko na lang siya sa tabi ko.
Napakunot-noo ako sa pangalan nito, “white wolf, kakaiba naman, hindi ko alam na may ganu’ng tawag pala sa bulaklak at ngayon lang ako nakakita nito.”
“Dahil unique rin ang ganda niya kaya siya pinangalanan na ganyan,” paliwanag niya, “dito lang sa Caroline province tumutubo ang mga white wolf, gusto mo ba? Maari kitang bigyan.”
Umiling ako at humarap sa kanya na abot hanggang dibdib lang ako sa tangkad niya. Sumagi sa aking alaala kung paano niya ako tinulungan nong unang dating ko rito.
“Salamat,” bulalas ko.
Napansin ko ang pagtataka sa kanyang pagsingkit ng mga mata niya saka humarap sa ‘kin, “para saan?”
“Kahapon, nong dumating ako, tinulungan mo ko na hindi malaglagan ng mga paninda sa palengke, ikaw ‘yon,” kwento ko sa kanya, “ang akala ko nga kung ano nang mangyayari sa ‘kin.”
Nakakunot-noo pa rin siya, “talaga ba, wala kasi akong matandaan.”
Sa isang iglap bigla akong nalungkot ngunit hindi ko sa kanya pinahalata, “ganu’n ba…pwede bang magtanong?”
“Ano ‘yon?”
“Alam ko wala akong karapatan malaman ang tungkol dito, kung masyadong personal ang tanong ayos lang kung hindi mo sasagutin, tungkol sa manor anong balak mo ro’n kung sakaling mapasaiyo yon?”
“Maganda ang lupa sa pinagtatayuan ninyo, birhen pa at madaling tumubo ang mga halamang itatanim do’n. Ipapagiba namin ang mansyon at saka naman gagawing extension ng sakahan o pananim,” mabilis niyang sagot.
“Ipapagiba?” Bahagya akong nalungkot, alam kong pinangangalaagan nila mama para maitayo ang manor na ‘yon pero hindi ko akalain na mawawala rin na pala ang lugar kung saan ako lumaki, pero sino nga ba ako para mangilam at husgahan siya sa gusto nilang gawin do’n mapapasakanila na rin naman yon sa oras na mabili nila.
Saka lang ako natauhan nang bumalik na si Dario at parehas kaming napasulyap sa kanya nang marinig namin ang ingay niya.
“Pasensya na uli---”
Hindi ko na siya pinatapos nang lumapit na ako sa kanya at magpaalam kay Kalen, “maraming salamat sa pagkain at oras, aalis na kami at makakaasa kang magiging ayos lang lahat ng proseso para mabilis ding mapasainyo iyon,” wika ko.
---
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Dreame mababasa ang kwento na ito. Kung malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.