Chapter 137 “Nasa paraiso na tayo, walang ibang makakarating dito kung hindi ang mga namayapang kaluluwa sa itaas.” Dahan-dahan na napasulyap si Sia kay Geo na hindi makapaniwala ang balitang narinig niya rito. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, hindi maproseso ng kanyang isipan na pilit niyang pinapasok sa kanyang utak. Nakatitig lang siya sa nag-aalalang mga mata ni Geo sa kanya na nakaharap pa rin sa kanya, nag-aalangan at kinakabahan din lalo na’t hindi umimik si Sia sa kanyang nalaman. Muling napasulyap si Sia sa paligid niya, maganda ang paraiso kung na saan siya ngunit hindi ito ang katapusan ng lahat. Inaalala rin niya ang sinabi ni Yuri sa kanya, ang tungkol sa mga baraha at nakatakdang tadhana sa kanya. Umiling siya kay Geo saka siya tumayo kaya sumunod naman si Geo sa kany

