Chapter 52

1124 Words
Chapter 52 NAIWAN pa rin ang tensyon sa buong manor nang umalis ang konseho, naging sarado ang silid ng trono ni Kalen dahil inalis na muna siya sa puwesto dahil utos din ng konseho, wala akong ideya kung kailang araw sila magpapatawag ng pagpupulong sa lahat dahil sa malamang may ideya na sila, wala kaya nilang ako ang may kagagawan nu’n? Anong mangyayari sa amin, sa ‘kin lalo na kay Kalen sa ginawa ko? Nag-iisip ako kung anong idadahilan ko o kaya kung anong klaseng pagtatangol sa buong Langston sa ginawa ko, hindi pa rin ako sigurado kung paano ko nagagawa iyon pero para bang normal na lang ang lahat sa ‘kin, kailangan ko bang sabihin sa kanya? Maiintindihan kaya ako ni Kalen? Tulala lang ako sa hapag-kainan at nakailang subo lang ako sa pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. “Sia.” Ang daming pumapasok sa isip ko, napabuntong-hininga ako…natigilan ako nang may humawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa, napasulyap ako sa kanya na inaabot ang kamay ko, ngumiti siya kaya ngumiti na lang ako pabalik. “Malalim ang iniisip mo, may problema ba?” Nag-aalala niyang tanong. Ang dami kong gustong itanong sa kanya at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan o saan ako mag-uumpisa, ngunit binawi ko ang lahat nang lakas ng loob ko para sabihin ang lahat na gusto kong sabihin sa kanya, umiling ako, “wala naman, ikaw ba?” Nararamdaman kong hindi siya okay pero hindi ko alam kung paano ko siya i-comfort para mawala ang lungkot o ibsan ang iniisip niya ngayon. “Gusto mo bang lumabas, total wala naman akong gagawin at free ako ngayon,” pagyaya niya sa ‘kin, “gusto kong magpahinga sa mahabang panahon na pagiging lider ko sa pack na ito ngayon ko lang naramdaman ang pagod at gusto ko magpahinga kasama ka, maari ba?” “Oo naman, saan mo ba gusto?” Tanong ko sa kanya. “Kahit saan basta malayo rito sa mansyon,” sagot niya. “Nakalimutan ko na ang mga lugar at maaring puntahan dito sa Caroline, ikaw ba?” Sandali siyang napaisip, “alam ko na,” biglang sagot. Pagkatapos nang agahan na iyon dumiretso kami sa manor namin kung na saan sila Nikita, nabigla pa nga ako nang huminto ang sasakyan doon sa harapan ng bagong palit na gate ng mansyon, ngayon na lamang ako muling makakabisita simula nang mag-umpisang mangyari ang lahat kung paano ko nakilala si Kalen at paano kaming naging konekta sa lahat. Wala kaming kasama na kahit sino kundi kaming dalawa lang. Mukhang alam naman nila Nikita na pupunta kami kaya nang bumaba kami ay agad silang nagbukas ng gate. Agad na sumilay ang ngiti nang makita sila lalo na si Dario nang makita niya rin ako, napatakbo siya papalapit sa ‘kin at agad na yumakap ng mahigpit, natawa ako dahil parang bata siyang ngayon lang nakita ang kanyang kalaro, matagal bago niya ako binitawan kung hindi lang hinila ni Kalen ang damit niya para mapahiwalay sa ‘kin. “Ay sorry na carried away lang, hindi kami nakapunta sa seremonya dahil hindi kami pwedeng sumali sa ganu’ng seremonya lalo na’t mortal kami at hindi ganu’n ka espesyal katulad mo, kumusta ka na?” Paliwanag ni Dario mukhang marami siyang gustong itanong at ikwento. “Ano ka ba, anak!? Hindi sila pumunta rito para makipag-chikahan sa ‘yo dahil kailangan nilang mag-bonding bilang bagong mag-asawa,” saway naman ni Nikita sa binata niyang anak. Nahiya ako pero namula ang pisngi ko habang parang wala naman kay Kalen habang tawang-tawa naman si Dario na para bang inaasar pa ako. “Sige po ligtas po kayong makakadaan sa likod ng manor,” wika ni Nikita muli. Napakunot-noo ako, “hindi bar ito tayo magpapahinga?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “Basta ako ang bahala,” iyon na lamang ang sinagot ni Kalen saka niya kinuha ang kamay ko at hinila ako ng bahagya para iwan sila, nakita ko pa ang mapang-asar na ngisi ni Dario bago kami tuluyang dumiretso sa likod ng manor, may bridge roon at may ilang metrong lawak ang sapa bago ka makatawid sa kabilang kakahuyan, rinig ang lagaslas ng tubig sa lugar. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya nong makatawid kami roon. Kakaibang lamig ang bumabalot sa paligid ng kakahuyan, nakita ko na lang na inaalis niya ang sapatos niya at nang maalis niya ito tinupi niya ang dulo ng trouser niya, lumapit siya sa ‘kin at inangat ang paa ko para alisin ang puti kong tennis shoes kaya naramdaman ko na lamang ang malamig na damuhan. Nilagay niya lang mga sapatos namin sa isang tabi at muli siyang humarap sa ‘kin, ang aliwalas ng mukha niya na para bang wala siyang inaalala o talaga bang tinatago, maari naman siyang magkwento, makikinig ako hangga’t gusto niya. Kinuha niya ang kamay ko, “kailangan din natin minsan maramdaman ang mundo na ginagalawan natin,” wika niya saka kami nagpatuloy sa paglalakad, hinayaan ko lang siya magkwento o magsalita ng gusto niyang sabihin, “na-miss ko rin iyong ganito, tahimik…malayo sa gulo.” May isang tanong ang pumasok sa ‘kin, “masaya ka ba kung saan ka ba ngayon? Sa ginagawa mo bilang lider ng pack?” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya nagsalita, “wala akong pagpipilian…” Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ang tanong ko sa kanya, may ngiti pa rin sa labi niya. “Simula nang ako ang pumalit kay ama nang mamatay siya sa labanan noon, wala akong pagpipilian kundi ang sumunod sa tradisyon nang ipasa nila sa ‘kin ang trono lalo na’t nasa amin pa rin ang kapangalan na namumuno sa buong pack na kakampi namin,” habang tumatagal mas lalong humihina ang lungkot niya na para bang napapagod sa haba ng panahon na puro lang pagligtas at pag-aasikaso sa pack ang inaasikaso niya. Sa kwento niya parang marami pa akong gustong malaman sa kanya, gusto kong malaman ang kwento niya, huminto kami sa tapat ng malakas na lagaslas na talon, malamig but I feel warm around him and I love this feeling. “Sia,” tawag niya sa ‘kin saka siya lumingon sa gawi ko. Hindi ako sumagot at hinihintay ko lang siya sa susunod niyang sasabihin. “Gusto mo bang sumama sa ‘kin?” Namilog ang mga mata ko sa bigla niyang tanong at saka nagtataka. Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako. “Sumama ka sa ‘kin lisanin ang lugar na ‘to…” Hindi ko na maintindihan ang paligid ko nang kumalabog ang dibdib ko at biglaang huminto ang paligid ko na nasa kanya lang ang atensyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD