Chapter 124 HINDI pa rin makapaniwala si Kalen na sa isang iglap mawawala si Euphrasia muli sa kanya. Tulala siya at hindi makausap ng maayos. Kinuha ni Mia sa kanya ang bata na sinasabing daw nila ngunit walang duda dahil nararamdaman nga niyang sa kanya ito. Ngunit natatakot siya sa posibilidad at mga tanong sa sarili kung paano siya papalakihin ang bata na siya lang mag-isa. Biglaan ang lahat lalo na’t bigla siyang naging ama. Pakiramdam siya nakulong siya sa mahabang panahon, pinaliwanag sa kanya ni Mia ang lahat kung bakit nagawa ni Sia na tanggalin ang memorya nilang magkasamang dalawa. Walang nagawa si Mia na kundi ibalik ang ilan sa alala niya, kahit pa inalis ni Sia ang alaala niya para ilayo siya sa kapahamakan hindi niya akalain na dadalhin siya ng kanyang mga paa sa babaeng

