Chapter 112 “Vetus atque aedificavit domum. Super nos, et custodies nos vigilare est de modo nocere. Nos devotio, pro quibus tibi perpetuosque cepit. Dare vis nostrae ne propter hoc erit ad gratias et reliqua nostra exsultatione.” “Dare vis nostrae ne propter hoc erit ad gratias et reliqua nostra exsultatione.” Pag-uulit ng lahat sa huling dasal na binaggit ng paring nakasuot ng itim na damit habang nakapalibot sila sa gitna ng estatwa ni Lucifer na may ulong goat. Katatapos lang ng lahat ng hapunan, tradisyon na umaga ng madaling araw bago mag-umpisa ang araw nila at gabi bago matulog para magpahinga na kailangan magdasal sa diyos-diyosan ng mga mangkukulam. Walang nagawa si Yannie kundi ang makinig habang katabi niya si Benny na tumulong sa kanya na magbasa ng aral kanina ngunit may i

