Chapter 4

1180 Words
Chapter 4 BIGLA na lang sumagi sa ‘king alaala habang nanatili akong nakaupo pa rin sa loob ng kotse, sariwa para sa ‘kin ang nangyari sa nakaraan, bumilis ang pintig ng puso ko at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko pero naririnig ko pa rin ang madilim na nakaraan, ang pamilyar na ingay nang putok ng baril, ang sigawan… Napadilat ako at halos manlaki ang mata ko nang may humawak sa balikat ko saka lang ako bumalik sa realidad. “A-ayos ka lang,” saka ako binitawan ni Dario. Tumango ako at hindi nagsalita, ‘kaya ko ba ‘to? Parang gusto ko na umuwi, pero paano ko maibebenta ang mansyon kong uuwi agad ako, kailangan kong harapin ‘to, hindi naman siguro ako magtatagal dito, iyan ang ipinapangako ko.’ “Baka masama ang pakiramdam mo, babalik tayo sa Porta Vaga para pumunta sa clinic---” hindi ko na pinatapos pa si Dario at mukhang nag-aalala na siya sa ‘kin. Umiling ako, “kaya ko na,” sagot ko at tinulak ko na pinto ng truck niya para bumaba. Sumunod na rin siya at tinulungan na rin niya ako magbaba ng mga gamit ko. Napalingon ako sa sa gate nang may bukas dito at nakita ko ang pamilyar na babaeng nakangisi saka lumapit para tulungan si Dario. “Ako na nito, ma,” wika niya at nauna si Dario sa amin pumasok kaya kaming dalawa ang naiwan sa labas, “nasa bayan na pala si ama kaya iniwan ko na muna siya ro’n para kay Euphrasia,” sabi niya habang naglalakad paalis. Nakasuot siya ng maroon na floral na bistida, may farm angle boots siyang suot na kulay itim, kuloy ang nakatali niyang buhok na medyo may ilang hibla na pumuputi, may nakapatong na apron na puti sa suot niya, namumula ang pisngi niya sa kanyang kaputian, bahagyang mababa at malusog ang pangangatawan niyan. “Maligayang pagdating, madam, ako nga pala po si Nikita ang tagapag-alaga ng mansyon ninyo at kaibigan ng pamilya mo,” pakilala niya na buong giliw ngunit hindi ko masabayan ang saya niya. “Maraming salamat mo, pero Euphrasia po or Sia na lang po ang itawag ninyo sa ‘kin hindi ko kailangan ng masyadong formal,” wika ko naman. Tumango-tango siya at para bang wala siyang pakialam na wala akong emosyong pinapakita sa kanya. “Halika pasok, kailangan mong magpahinga at mahaba pa ang naging biyahe mo,” nauna siyang naglakad pagpasok sa loob kaya sumunod ako sa kanya. Habang papalapit kami sa mansyon ganu’n pa rin ang ayos at laki nito ngunit napapalibutan na ng mga vine grass ng ubas ang kalahating bahagi ng mansyon. May malaking puno sa katabi ng mansyon, maliit na tree house at duyan na nakatali. Isa-isa sumasagi sa ‘king alaala kung gaano niya nabuo ang tree house para sa ‘kin na ngayo’y buo pa rin. Marami na ring pananim sa buong palibot ng mansyon, may mga puno na ng orange, mansanas at ilang prutas na lumalaki lang sa lamig. Mga ilang gulay at may barn house sa likod na bahagyang tanaw pag nasa gate ka kaya may mga ilang manok na naglalakad sa paligid. Sa likod na bahagi ng mansyon makikita ang fishpond na buhay na buhay pa rin hanggang ngayon at ilang mga bulaklak. May barrier ng bakal sa paligid at sa labas nu’n puros kakahuyan na. “Binuhay pa rin namin ang negosyo ninyo noon sa utos na rin ng tita mo rati, kumikita pa rin siya at may ilang negosyante sa Porta Vaga na nagkukuha sa amin, tama na para maalagaan ang mansyon at buhayin kaming pamilya,” paliwanag ni Nikita, “huwag kang mag-alala katulad ng utos ng tita mo sa amin naghahanap kami ng mga maaring bumili ng mansyon at may personalidad kaming nasa top list namin.” “Salamat po,” sabi ko nang may maalala ako, “paano at saan kayo titira kung sakaling maibenta ang mansyon?” Bigla akong nakaramdam ng guilt at lungkot para sa kanila na mas matagal nang tumira sa mansyon na ‘to para lang bantayan. “Meron na po, lilipat po kami sa kabilang bayan sa Malvar o maari kaming lumipat sa Roseville City dahil may ilang kamag-anak kami ro’n,” paliwanag niya saka niya kinuha ang papel sa bulsa ng suot niyang apron na puti saka niya inabot ang papel na tupi. Napakunot-noo ako ngunit kinuha pa rin at binuklat, una kong nabasa ang unang nakalista, “Langston Family?” Muli akong sumulyap sa kanya. “Opo, madam---ay este, Sia, nang magbukas ng for sale ang Benjamin manor sila ang unang nagkainteres sumunod na po ang ilan kaya sila po ang napupusuan naming bumili ng mansyon, pero nasa sa inyo pa rin ang desisyon at ikaw na po ang mag-set ng schedule para i-tour sila sa mansyon na ‘to,” paliwanag niya. Sandaling katahimikan at nakatitig pa rin ako sa papel na may inaalala ako dahil parang pamilyar ang pangalan. “Halika na po sa loob para makapagpahinga at makakakain na po kayo, ano po bang gusto ninyo?” Tanong niyang muli at nag-umpisa siyang maglakad diretso sa bukas na double door ng manor. “Wala naman po akong hilig sa pagkain pero---” napatigil ako nang tuluyan na akong nakapasok sa manor namin, ang manor na kinatatakutan ko pa rin hanggang ngayon, nilibot ko ang tingin ko mula sa grand staircase patungo sa ikalawang palapag nahahati sa dalawang pasilyo ng kaliwa’t kanan sa taas, matatanaw ang mga mahogany door ng mga silid, napakakintab ng brown tiles na European design ang manor na almost brown, cream and white ang nangingibabaw sa buong paligid, may ilang painting at mga halamang naka-display sa mga maliliit na lamesa, may ilang pagbabago ngunit yung mabigat na pakiramdam at pamilyar na takot na parang naroon pa rin sila na nagmamasid mula sa dilim. Taas-baba ang balikat ko at ramdam ko ang bilis nang t***k ng puso ko. Gusto kong lumabas at tumakbo palayo. “Sia, kung ayaw mong manatili sa mansyon maari kang umupa ng matutulugan sa Porta Vaga, naiintindihan naman namin…” hindi na niya tinapos pa ngunit parang alam na niya kung bakit ako nagkakaganito. “Hi-hindi,” huminga ako ng malalim, “kaya ko, siguro dahil lang ‘to sa pagod ko.” “Gusto mo bang ihatid kita sa silid mo?” Nag-aalala niyang tanong. Humarap ako sa direksyon niya, “maari po bang sa ibang silid ako magpahinga kahit sandali at mamaya na po ninyo ihanda ang pagkain kung sakaling makaramdam na ako ng gutom,” request ko sa kanya. “Sige, Sia, linisin ko lang ang kwarto malapit sa amin para madali mo lang kaming mahanap kung kakailanganin mo kami, maiwan na muna kita rito---” “Tutulong na po ako,” sabi ko. Napansin ko ang malungkot at awa sa mga mata niya ngunit hindi ko na lamang pinansin. Ayokong kinakaawan ako ng kahit na sino kaya kung maari ayokong ipakita ang emosyon ko ngunit iba ngayon na andito na ako sa Manor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD