Chapter 114 INAALALAYAN ni Geo si Yannie lalo na’t pilay ang isang paa nito, parehas silang nahihirapan lalo na’t may mga natamo silang sugat at mga galos. Hingal na hingal na sila, wala pang kain at ilang oras na silang nagpapaikot-ikot sa abandonadong kakahuyan. Wala silang kasiguraduhan kung saan sila patungo sa lugar na hindi nila alam. “Magpahinga na muna tayo,” wika ni Yannie dahil alam niyang mas nahihirapan ang binata dahil ang kalahati ng bigat niya’y nakapasan sa binata. Hindi naman umangal si Geo nang dahan-dahan siyang binaba sa isang bato at inupo roon. Sumandal naman si Geo sa paanan ni Yannie, wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan si Geo na hingal na hingal habang pinangpupunas ang marumi nitong kamay sa pawisang mukha. Hindi naiwasang maawa ni Yannie kay Geo at sa kan

