Tamad akong naglalakad papuntang exit gate ng HU ng hapong iyon. Papadilim na rin at mangilan-ngilan nalang ang mga estudyanteng nakikita kong naglalakad ng gate palabas ng HU. Pansin ko din na kokonti ang mga estudyanteng nakatambay sa may waiting shed na malamang ay nag-aabang ng masasakyan o ng mga susundo sa kanila. Halos kasunod ko lang ang mga bodyguard ko na halos isang metro ang layo sa akin. Naalibadbaran kasi ako sa kanila kapag masyado silang malapit. Pakiramdam ko anak ako ng Presidente na dapat bantayan at tutukan palagi. Hihintayin ko nalang ang sundo ko sa isa sa mga waiting shed na naroroon. Nandoon na naman kasi sa talyer ang kawawa kong MB. Paano naman kasi flat na naman. Hindi man lang kasi i-check ng magaling kong driver ang kotse bago gamitin. Hay...maghihint

