Nagtatakbo ako palapit sa kanila ng makita kong nakaupo si Lei sa semento habang kalong-kalong si Shayna na nawalan ng malay. Halos mataranta ako sa paglapit ng makita kong nakapikit siya at nakalaylay ang kanyang ulo. "W-What happened Lei?" tanong ko sa kapatid ko na halos mamutla na sa takot habang nakatingin lang sa kawalan. Alam ko kinakabahan siya at natatakot dahil baka may nangyaring hindi maganda sa mag-ina. Ako din naman kinakabahan. "L-L pwede mo bang tingnan ang mga legs niya kung may dumadaloy na d-dugo. H-Hindi ko kayang tingnan baka nalaglag ang a-anak namin." garalgal ang boses na sabi niya habang nakatingin pa rin sa malayo. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin. Hindi ko alam na may ganito siyang side dahil kadalasan naman ay kal

