Kabanata 50: The Call 2

2222 Words

[ Si Lei kasi...] Tootoot tootoot tootoot... Shitness! Biglang nag lowbat ang cellphone ko bago pa man madugtungan ni LuHan ang sasabihin niya. Naiinis na nagpapadyak ako sa labas ng kotse sa sobrang inis. Nakita kong napapangiti naman ng palihim si Mark sa ginagawa ko habang nakatayo rin ito malapit sa nakabukas na pintuan ng kotse. Binuksan niya kasi ito agad kanina ng makalapit ako. Papasok na sana ako kaya lang napatigil ako dahil nga tumawag si LuHan sa akin. Ang malas nalowbat ang cellphone ko. Hindi ko na kasi naisip na i-charge pa ito pagkaalis ko ng mansyon kanina dahil sa pagmamadali kong hwag malate sa midterm examinations namin. Nakakainis naman talaga oo! Kung kailan emergency saka naman malolobat itong cellphone ko. Hindi ko tuloy nalaman kung anong nangyari kay Lei.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD