Pinipilit kong matulog ngunit sadyang mailap sa akin ang antok. Hindi ako mapakali dito sa kwarto namin. Sina Ayessa, Sky at Heaven na kasama ko dito sa kwarto ay kanina pang alas-syete tulog. Naghihilik na nga sila samantalang ako ay mulat pa rin hanggang ngayon. Uminom na nga ako ng gatas ngunit waepek. Lahat na rin ng posisyon sa paghiga ay nagawa ko na pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Masydo kasi akong excited para sa kasal namin ni Lei. Hindi na ako makapaghintay para sa mangyayari bukas. Sa wakas ikakasal na rin kami. Ganito pala pakiramdam ng ikakasal. Masyado kasi akong lutang. Pakiramdam ko nasa Mars ang utak ko at para akong naglalakad sa alapaap. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko dahil halo-halo. Mabuti nalang at nasa ayos na ang lahat. Iba pa rin talaga kapag may

