WHEN EPHRAIM woke up, she's already lying on the bed. Natigilan siya nang makita si Zacheuss sa tabi niya. Ikinurap niya ang mata dahil baka guni-guni niya lang ang lahat pero hindi dahil nang hawakan niya si Zacheuss, naramdaman niya ang balat nito. Kapagkuwan napabalikwas siya ng bangon. Nagtaka siya nang makitang wala na siya sa loob ng kweba. Nasaan ako? Hindi siya pamilyar sa kinaroroonan niya. Bumangon siya at napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. She can't feel her Feather Flower. Huminga siya ng malalim at bumaba sa kama. Tumingin siya kay Zacheuss bago siya naglakad palabas ng kwarto. Nararamdaman niya kung nasaan ang Feather Flower niya kaya nagtungo siya roon. Itinulak niya pabukas ang pinto. Nakayuko siya papasok kaya hindi niya kaagad nakita ang mga tao sa loob ng kwart

