NAPABUNTONG HININGA si Ephraim. Hindi mawala sa isipan niya ang tungkol sa sinabi ng lalaking nagngangalang Flint. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi nito na hindi tao si Zacheuss. It's been a week. Pero wala naman siyang nakita kay Zacheuss na kakaiba. Ayon kay Flint, Zacheuss is not a human. Napabuga ng hangin si Ephraim at hindi makapag-concentrate sa trabaho. Pumunta siya sa loob ng opisina ng Ate niya baka sakaling malinawan ang isipan niya pero nakatitig naman siya sa makapal na kurtina na sa likod nito ay isang sikretong pinto. "Ephraim." Naputol ni Ephraim ang hawak na rose dahil sa pagkabigla. Tumingin siya sa kapatid. Hindi niya namalayan na pumasok ito sa loob ng sarili nitong opisina. "Bakit, Ate?" Tanong niya. "Okay ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong. Hinawakan pa n

