HER SISTER and Zayden went out. Si Ephraim ang nagbukas ng flower shop pero wala naman masyadong kustomer kaya naman pumasok siya sa opisina ng Ate niya. Hinayaan niya muna si Jane siyang umasikaso ng flower shop. Lumapit siya sa makapal na kurtina at hinawi ito. Binuksan niya ang sikretong pinto saka pumasok sa loob. Bumaba siya sa hagdan hanggang sa makarating siya sa loob. Naramdaman ni Ephraim na walang tao sa loob kaya naman tuloy-tuloy siya. Doon niya nakita ang mga high-tech na kagamitan at mga sandata. Everything is high-tech. Kumunot ang nuo niya. Bakit may ganito sa ibaba ng flower shop nila? Sa pagkakaalala niya ay walang nailagay na ganito. At ang isa pang ipinagtataka niya ay nasa loob ng opisina ng Ate niya ang pinto. Kumunot ang nuo ni Ephraim. "Ate, anong nangyayari? An

