WHEN NIGHT CAME, maayos na ang pakiramdam ni Zacheuss kaya lumabas siya ng kwarto at bumaba sa kusina. Walang tao sa loob ng mansyon pero naririnig niyang nasa labas ang mga ito, sa pavilion. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng blood pack sa storage. Kumunot ang nuo niya nang maamoy ang pamilyar na dugo. Iyon ang kinuha niya at mabilis na sinipsip. Lumabas siya ng kusina at nagtungo sa pavilion. Nadatnan niyang nag-iinuman ang mga ito. "Dad, where's Mom?" Tanong ni Zacheuss sa ama. Umupo siya sa tabi ng ama ni Asher dahil 'yon lang ang bakante habang nasa tabi naman nito si Asher. Napansin niyang nagkatinginan ang mga kasama nila sa pavilion. "Pumunta sila kay Ephraim." Sagot ni Vladimir. "What?" Nanlaki ang mata ni Zacheuss. "Anong gagawin nila do'n?" Nagtataka niyang saad. "Beer?

