Minsan Pa AiTenshi Part 23 Nasa ganoong kaligayahan kami nang bigla naming makita sa Meg na nag tatakbo patungo sa amin, kaya naman labis akong nag taka at kasabay nito ang pag kabog ng aking dib dib sa di malamang kadahilanan. "Kuya! Kuya! Kuyaaa!" ang sigaw nito na halatang takot na takot. "Bakit tol? Bakit ano ang nangyari?!" "Kuya si Inay, wala na si inay!!" ang sigaw nito na bumasag sa aking pag katao. Bumalikwas ako ng tayo dahil sa labis na pag kabigla. Kasabay nito ang pag katanggal ng sing sing na yari sa bulaklak sa aking daliri at unti unti itong nahulog at inanod sa tubig. Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking pandinig noong mga sandaling iyon. Agad kaming nag tatakbo pauwi sa bahay, hingal kabayo kami dahil sa pinag halong pagod at kaba. Makalipas ang ilan