Minsan Pa AiTenshi Part 32 Isang buwan ang lumipas sa aming buhay, naging normal ang kalagayan ni Meg, matapos ilang linggong gamutan, muli siyang bumalik sa pag-aaral ngayon nagpasya nalang siyang tumira sa dormitory upang makatipid ng pamasahe at gastusin. Sa kanyang pag –alis batid kong marami siyang natutunang aral sa kanyang buhay. Nangako siya sa akin na mag sisimulang muli at pipiliting magbagong buhay para sa aming mas magandang kinabukasan. Lumipas pa ang ilang buwan, ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding pangungulila sa piling ni Joem lalo’t labis akong nangangamba dahil mahigit ilang linggo na walang sulat o tawag man lang. Tila nilukuban ako ng ibayong sakit at pag aalala dahil wala man lang akong balita sa kanya. Nag punta rin ako sa kanyang magulang upang makibalita ng