XIX Mabilis ang lalaking nakamaskara at agad na abutan si Grace, hinatak ang dalaga sa buhok nito, napasinghal naman sa sakit si Grace, napahawak din ito sa kamay ng lalaki na nakahawak sa buhok nito, “ahhhhhh! Bitawan mo ako!” Sigaw nito, pero lalong napasigaw ang dalaga nang matamaan siya ng kutsilyong hawak ng lalaki sa kaliwang legs, kaya na out of balance rin ito. Pero bago pa man siya mapaluhod sa sahig ay sinakal siya ng lalaki gamit ang braso nitong nakapalupot sa leeg niya, “argh! Ta-ma-naaaaargggh!” Nagpupumiglas si Grace, nagkukulay na ang mukha niya at halos napapaiyak na si Grace dahil hindi na siya nakakahinga ng maayos, lalong tumakas ang dugo sa legs ni Grace dahil sa nangyayari sa kanya. Tinakpan ni Curt ang bibig niya para hindi makagawa ng ingay, pero kinagat niya it