Another Gray May isang bagay siyang pinagmamalaki, kaya niyang pumatay, wala siyang takot sa kahit na anong bagay, hindi mo gugustuhing makipagtitigan sa kanya, kahit na makipagkaibigan o makilala ang buo mong pangalan. Kailangan mo ring umiwas sa kanya dahil kaya niyang malaman ang pinakatatago mong sekreto. Pero siya lang rin ang tanging makakatulong sayo kahit na buhay mo pa ang kapalit, siya lang ang makakapagbigay sa kasagutan sa mga tanong mo, sa misteryong bumabalot sa mundo mo, maibibigay niya sayo ang hustisyang sinisigaw hinahanap mo nang matagal. Chapter 1 I June 2017… Pinarada ni Hazel ang scouter niya sa parking lot ng paaralan, tinaggal niya ang itim na suot niyang helmet kaya lumabas ang kulot at mahaba niyang buhok na palaging naka-pony tail,