NATIGILAN SI Zia nang makitang nasa may pintuan si Kai. Napakaguwapo nito sa suot na white shirt, denim jacket at jeans. Western cowboy ang dating nito at talaga nga namang bumagay dito iyon nang husto. Pero hindi siya lubos na makapagsaya. Dahil may date na naman ito. Iyon ay ayon kay Yozack nang mag-set ito ng date para naman sa kanilang dalawa dahil ito ang nanalo sa horse race kanina. Sa sobrang selos niya nang makita si Kai na nilapitan ng dalawang babae, pumayag na rin siya sa kalokohan ng mga club members na maka-date ang sinomang nanalo sa laro nilang iyon. Nilingon siya nito nang maramdaman nito marahil ang kanyang presensiya. He looked at her as if studying her every feature. Simpleng t-shirt at jeans lang ang suot niya dahil hindi naman niya alam na makikipag-date siya