CHAPTER 8

2722 Words

HINDI PA RIN MAPAKALI ang isip ni Zia habang hinihintay na mailigpit ng mga crew niya ang buong shop.  Magsasara na kasi sila at nakaugalian na nila ng mga tauhan niyang sabay-sabay na umalis.   Si Kai pa rin at ang mga iginawin ito kanina sa kanya ang paulit-ulit na nagbabalik sa kanyang alaala.  At sa tuwina, lagi na lang tila may munting ngiti na gustong sumilay sa kanyang mga labi. “Ah, good evening, Sir.  Pero sarado na ho kami, eh.” Nilingon niya ang entrance kung saan narinig niyang may kausap ang isa sa kanyang mga crew.  Agad niyang nakilala ang matandang lalaking naka-business suit na kapapasok pa lang doon. “Tito George?”   “Zia!  My darling, my lovely girl!”   Nilapitan niya ang bagong dating at humalik sa pisngi nito.  Niyaya rin niya itong maupo sa isa sa mga table doon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD